Pinoy Tumblr.: Mga uri ng lasing.
THE RICH KID.
- masarap kainuman to lalo pag lasing. Siya lahat sumasagot mula alak hanggang pulutan, minsan pa pag sobrang lasing na namimigay ng pera.
THE SLEEPER.
- badtrip kainuman. madalas sabihin ang tag line na “hindi pa ko lasing, kaya ko pa.” pero maya-maya tulog na.
THE WARFREAK.
- mas lalong badtrip kainuman, yung tipong matitigan lang mang-aaway na. masamang malagyan ng alak ang bituka dahil nilalagay din pati sa utak. kaya tip ko lang wag na itong isali sa inuman.
THE GHOST.
- naglalaho bigla sa gitna ng session. ninja mode ang technique na alam.
THE BARFER.
- hassle kainuman. makalat, dapat may dalang plastik lagi.
THE JESTER.
- ito ang masaya kainuman, malakas ang trip talagang sasakit ang tiyan mo kakatawa pag ito ang nalasing.
THE ALL-OUT LAUGHER.
- ito naman ang taga-tawa ng jester. minsan hindi ka matatawa sa joke kundi sa tawa nito. pag nalagyan ng alak parang laughing machine.
THE BLABBER.
-ito yung tipo ng lasing na parang nakalunok ng megaphone sa ingay, kwento ng kwento kaya yung taga-tagay bigay ng bigay ng shot para madaling mapatulog at mapatahimik. :)) pwede din siyang maging jester.
I’d fall under one of the last 3. :p